Sekyu nakuryente

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na guwardiyang si Donato Cara­ guian ang nasawi nang makuryente at mahulog sa lupa habang namimitas ng manggang ibibigay niya sa buntis niyang asawa sa Sapucoy St., Barangay Man­resa, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Rey Galvan ng Barangay Man­resa, namimitas umano ang biktima ng mangga sa itaas ng isang punongkahoy gamit ang panungkit nang sumabit ito sa isang high tension wire at sumabog.

Sa pagsabog ay tinamaan ang biktima hanggang sa mahulog ito na siyang ikinapinsala ng kanyang katawan at ulo. (Ricky Tulipat)

Show comments