Iniwan ng bebot, nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil hindi umano matanggap na iwan ng kinakasama, isang 30 anyos na binata ang nag­pasyang magpaka­matay sa pamamagitan ng pag­bigti sa sarili sa Barangay Bagbag, Que­zon City kamakalawa.

Si Aldo Queremit ng 17 Urbano St., Barangay Bagbag ay natagpuan na lamang nakabitin sa kisame ng kanyang ti­nutu­luyan gamit ang isang lubid pasado alas-6:00 ng gabi.

Ayon kay PO3 Rodel Tumangday, may-hawak ng kaso, base sa paha­yag ni Benjamin Zeta, pinsan ng biktima, ang huli ay dati nang ipinaga­mot sa National Center for Mental Health dahil sa pagkakaroon nito ng sakit sa pag-iisip noong Agosto ng nakaraang taon.

Sinasabing iniwan ang biktima ng kanyang live-in partner matapos na maging kakaiba ang ugali nito tulad ng pagwa­wala. Ito rin ang pinanini­walaang ugat upang mag­pasya itong magpa­kamatay. (Ricky Tulipat)

Show comments