Bodyguard patay sa riding in tandem
MANILA, Philippines - Binaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang bodyguard kamakalawa sa Quezon City.
Dead on the spot ang biktimang si Hipolito Andrade, 45 at kasalukuyang naninirahan sa Sarimanok St., Miramila Homes, Tandang Sora, ng naturang lungsod.
Base sa ulat, nangyari ang insidente ganap na alas- 11:30 ng gabi sa tapat ng Pegasus Club na matatagpuan sa kanto ng Sct.Chuatoco at Quezon Avenue, Quezon City.
Sinasabing sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at huminto sa nasabing lugar upang tumawag sana sa kanyang cellphone nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na sakay din ng motorsiko na hindi naplakahan.
Bumunot ng kalibre 45 baril ang isa sa mga suspek bago binira sa ulo at dibdib ang biktima at saka umeskapo sa lugar ng pinangyarihan.
Hindi naman binanggit kung sino ang amo ng biktima habang inaalam pa ang motibo sa isinagawang pagpaslang dito. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending