^

Metro

Tigil-pasada sa Martes, pipigilan ng MMDA

-

MANILA, Philippines - Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makukum­binsi nito ang transport group na huwag ituloy ang planong tigil-pasada sa Martes bilang protesta sa hinihirit na single ticketing system (STS).

Ayon kay MMDA Chairman Oscar Ino­centes, pipilitin niyang himukin ang lider at miyembro ng Alliance of Concern Transport (ACTO) na huwag ituloy ang planong tigil- pa­sada sa Martes dahil pinaplantsa ng mga Metro Mayors na miyembro ng Metro Manila Council na ayusin ang gusot sa pinagtata­lunang isyu.

Nauna nang inakusahan ni Efren De Luna, pangulo ng ACTO ang mga lokal na opisyal na ginagawa umanong gatasan ang grupo ng transportasyon sa pamamagitan ng paniningil ng napakataas na multa sa mga tsuper na nahuhuling lumalabag sa batas trapiko.

Naniniwala si De Luna na dapat alisin na sa kapangyarihan ng Local Government Units (LGUs) ang pag-iisyu ng ordinance violation receipt (OVR) dahil mas nangi­ngibabaw ang Republic Act 7924 na lumikha sa MMDA sa 1991 Local Government Code na nagbibigay kapangyarihan sa lokal na opisyal na panga­siwaan ang trapiko at mag-isyu ng tiket sa nasasakupan nilang lugar.

Nauna rito ay pinulong ng MMDA ang iba’t ibang grupo ng transportasyon sa pangu­nguna ng ACTO upang kumbinsihin sila na huwag ng ituloy ang tigil-pasada subalit hindi nagkaroon ng malinaw na pag-uusap kaya’t muling itinakda ang pagpu­pulong sa Lunes, kasama ang kinatawan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at House Committee Chairman on Metro Manila Development.

Sinabi ni Inocentes na gagawin nila ang lahat ng paraan upang mapigilan ang napi­pin­tong welga dahil ayaw nilang maparalisa ang pampublikong transportasyon na magbu­bunga lamang sa pagka-stranded ng libu-libong pasahero. (Lordeth Bonilla)

ALLIANCE OF CONCERN TRANSPORT

CHAIRMAN OSCAR INO

DE LUNA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

EFREN DE LUNA

HOUSE COMMITTEE CHAIRMAN

LOCAL GOVERNMENT CODE

LOCAL GOVERNMENT UNITS

LORDETH BONILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with