Landlady tinodas ng boarder

MANILA, Philippines - Isang 51-anyos na biyuda ang pinatay sa saksak ng kanyang boarder matapos singilin ng una ang huli hinggil sa kulang nito na P200 na bayad nito sa upa kamaka­lawa ng gabi sa Las Piñas City.

Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Leah Cecillia Campillo, “alyas Vivian”, nakatira sa #340 Basa Compound, Barangay Zapote ng nabanggit na siyudad. Nag­tamo ito ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Samantala, hinahanting naman ng pulisya ang suspek na nakilalang si Mike Esca­lona, “alyas Kosa”, hiwalay sa asawa, nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa inuupahang kuwarto ng suspek, na matatagpuan sa nabanggit na lugar.

Nabatid na pinuntahan ng biktima ang suspek upang singilin sa kulang nitong P200   bayad sa upa nito sa kuwarto.

Dahil dito nairita ang sus­pek hanggang sa nagtalo sila ng biktima at nang maka­ha­gilap ang lalaki ng isang pata­lim, paulit-ulit nitong sinaksak ang biyuda.

Mabilis na isinugod sa ospital ang landlady ng ilang mga kaanak nito sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay at ang suspek naman ay mabilis na tumakas.

Show comments