^

Metro

DILG sinugod ng daang residente

-

MANILA, Philippines - Binatikos ng daan-daang residente mula sa Cavite ang Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) bunga ng umano’y walang hum­pay na pagsibak at bala­sa­han na kanilang gina­gawa sa mga hepe ng pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa.

Bitbit ang mga pla­card ng nagsasaad na “Pulis ibinenta ni Puno sa mga politiko,” sumugod kaha­pon ng umaga ang nasa­bing mga residente para manawagan kay Sec. Ronaldo Puno at iba pang opisyales ng rehi­meng Arroyo na huwag umanong bastu­sin ang batas.

Giit ng mga residente, sang-ayon anya sa batas, ang kapangyari­han umano sa pagpili ng mga hepe ng pulisya at provincial police directors ay ibinigay sa mga local government units (LGUs) tulad ng mayor at gobernador ng mga lalawigan.

Inihalimbawa ng grupo ang sinapit ni Cavite police director, Senior Supt. Alfred Sotto Corpus, na tinanggal pa rin sa utos ni Puno sa kabila ng mahigpit na pagtutol ni Gov. Irineo ‘Ayong” Maliksi at pag­pasok ng election ban.

Anila si Corpus ang isa sa halos dalawang dose­nang opisyales ng PNP na sinibak o inalis sa puwesto ng DILG at PNP sa uma­no’y iligal na pamamaraan.

Dagdag ng mga ito, ang pagsibak kay Corpus noong nakaraang buwan ay ginawa sa kabila ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng Cavite Regional Trial Court at kawalan ng pa­hintulot ng Comelec.

Anila, kapuna-puna na karamihan sa mga lugar na binalasa ang hepe ng pulisya ay balwarte ng opo­sisyon. (Ricky Tulipat)

ALFRED SOTTO CORPUS

ANILA

CAVITE

CAVITE REGIONAL TRIAL COURT

PUNO

RICKY TULIPAT

RONALDO PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with