^

Metro

Bading nilooban na, pinatay pa

-

MANILA, Philippines - Isang 50- anyos na umano’y bading ang nasawi matapos na saksakin at takluban ng supot na plastic sa kanyang ulo nang hindi pa nakikilalang salarin na nanloob sa kanyang tahanan sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Enrico “Jeric” Esquerra, 50, binata, ng  San Jose St., Brgy. Damayan, sa lungsod.

Sinabi ng isang opisyal ng barangay sa lugar, bukod sa plastic na nakabalot sa mukha ng biktima sinaksak din ito ng icepick sa batok na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawawala umano ang mga kagamitan ng biktima, tulad ng laptop computer, printer, DVD player, at cell phone.

Hinihinala rin ng awtoridad na nanlaban ang biktima, dahil nagkalat ang mga gamit nito sa kusina, maging sa sala.

Ayon sa mga residente, bago natagpuang bangkay ang biktima, dalawang lalake umano ang nakitang kausap nito sa kan­yang bahay sa dis-oras ng gabi.

Sa ulat ni SPO3 Juan Mortel, may hawak ng kaso, pa­sado alas-9 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang pinsan na si Nelie Sta Ana na nanunu­luyan sa ikalawang palapag ng nasabing bahay habang naka­dapa sa sala ng bahay nito kung saan ito natutulog.

Ayon kay Sta Ana, huli niyang nakitang buhay ang biktima ganap na alas- 8 ng gabi kung saan nag-usap pa sila nito bago nagpaalam na matutulog.

Sinasabing nag-iisa lamang umano sa kanyang bahay ang biktima at sinusustentuhan lamang ng kanyang mga ka­anak na nasa ibang bansa.

Patuloy naman ang isinasa­gawang imbestigasyon ng pu­lisya sa insidente.   (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

DAMAYAN

JUAN MORTEL

NELIE STA ANA

RICKY TULIPAT

SAN JOSE ST.

SHY

STA ANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with