Riding in tandem, todas sa shootout

MANILA, Philippines - Kapwa bumulagta ang dalawang kawatan na ang isa umano ay matagal nang sangkot sa carnap­ping habang ang kasama ay sa pagpapa­kalat at pag­be­benta ng mga pekeng sa­lapi, sa isang dragnet operation ng Manila Police District-Station 2 sa Tondo, May­nila, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Enrique “Iking” Chan, 43, ng Tondo, May­nila, at isang na­ki­lala lamang sa alyas na “Nog-Nog”.

Kasama sa operasyon ang hepe ng MPD-Station 2 na si Supt. Ernesto Ten­dero, na nagkumpirma sa media na ang dalawa ay ma­tagal ng wanted sa batas kaugnay sa kasong carnap at counterfeiting o pag­gawa at pag­bebenta ng pekeng salapi.

“Partners in crime sila, isa carjacker at yung isa naman ay sangkot sa pag­gawa at pag­bebenta ng mga pekeng pera, may ka­nya-kanya silang ‘galing’ sa kawalang­hiyaan,” ani Tendero.

Kabilang umano sa na­biktima ng dalawa ang isang pulis-Maynila na tinangayan nila ng motor­siklo habang naka­parada umano sa Tondo.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling araw kaha­pon nang maga­nap ang shoot­out sa harap ng M.H. del Pilar Elementary School, sa Jose Abad Santos Avenue, pagitan ng Mayhaligue at Bambang Sts., sa Tondo.

Nabatid na matagal na uma­nong hinahanting ng grupo ni Tendero ang mga suspek nang ipaalam sa kanila ng kanilang impor­mante na nasa lugar ang dalawa kaya agad ikinasa ang pag-aresto.

Sa beripikasyon pa la­mang sa dalawa ay ma­bilis nang umiwas ang mga ito sa mga operatiba at habang pa­patakas na magka-ang­kas sa motor­siklo, pina­ putukan ang mga pulis na nauwi sa engkuwentro.

Narekober ng homicide investigators ang 2 pira­song .38 kalibre ng baril sa tabi ng mga nasawi.

Show comments