^

Metro

Mga jaywalker binalaan

-

MANILA, Philippines - Mas matapang at mas nakakatakot na babala ang ipa­paskil ngayon ng Metropo­litan Manila Development Authority (MMDA) sa mga ma­panganib na kalsada upang mapagbawalan ang mga matitigas na ulo na pe­destrian na patuloy na tuma­tawid sa abalang kal­sada sa kabila ng napaka­raming aksi­denteng naga­ganap.

Ilalagay ang bagong paskil sa mga lugar na may naganap nang aksidente at may nasawi na upang takutin ang mga jaywalkers sa panganib sa sarili nilang buhay.

Bukod dito, nagbabala rin si MMDA Chairman Oscar Inocentes na paiigtingin ang kampanya kontra jaywalking kung saan ipinag-utos sa mga traffic enforcer ang pagba­bantay at agarang pag-aresto sa mga jaywalker na naha­harap sa multa at iba pang parusa.

Inatasan na rin nito ang kanilang Traffic Engineering Center ang pagkakabit ng mga anti jaywalking signs sa iba’t ibang bahagi ng EDSA, Commonwealth Avenue at Marcos Highway. 

Gagamit ngayon ang MMDA ng mga kulay pula, puti at itim na siyang standard regulatory signs na papalit sa kulay pink ng ahensya sa mga traffic signs.

Muling hinikayat ang mga tumatawid sa kalsada na gamitin na lamang ang mga itinayo nilang footbridges para maiwasan ang disrasya. (Danilo Garcia)

BUKOD

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO GARCIA

GAGAMIT

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MARCOS HIGHWAY

SHY

TRAFFIC ENGINEERING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with