2 dinedo ng ex-kagawad

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang kum­pir­madong napatay ma­ tapos pagbabarilin ng da­ting ba­rangay kagawad kaugnay sa matagal na alitan, sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jose Gayola Burton, alyas “Bong”, 41, bi­yudo, ng #2400 Ext.-B,Vitas Tenement, at Perlito Le­garda Medina, 31, ng #532 Vitas Tenement, Vitas St., Tondo, Maynila.

Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Tomas Gonzales, 45, may-asawa, ng #509 Vitas Tene­ment, Vitas St.,Tondo.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, lumilitaw na ilang taon na ang nakalipas nang ipina­kulong ni Gonzales si Gayola.

Hindi nagtagal ay naka­laya si Gayola at muli nag­krus ang landas ng dalawa hang­gang sa kamuntik nang mag­kasuntukan kung saan naawat naman at na­ayos ang problema nang pagharapin sa barangay hall.

Kamakalawa, ay muling nag­krus ng landas ang da­lawa kung saan namataang bumubunot ng baril ang suspek kaya agad na nag­ta­takbo ang biktima na minalas namang makorner kaya naputukan ito ng ilang ulit. Nang awatin naman ni Medina ang suspek ay siya naman ang binaril. (Ludy Bermudo)

Show comments