^

Metro

Illegal recruiter nalambat

-

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na ne­gosyante ang nakulong matapos ipadakip ng kani­yang mga ni-recruit na factory workers para sa Korea sa isang entrapment operation, sa Luneta Park, Er­ mita, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Manila Police District-General Assignment Section Chief C/Insp. Marcelo Reyes ang suspek na si Cerilo Llanasa Jr. alyas “Mang Jun”, residente ng 1411 Coral Street, San An­dres Bukid, Maynila.

Nabatid na nagmula pa sa Nueva Ecija ang mga biktimang sina Virgilio De la Cruz, 46; Jonalyn Suman­de, 31; at Erwin Manwit, 24, nang samahan sila ng isang hindi nagpakilalang kawani ng Metro Manila Development Authority sa tang­gapan ng MPD-GAS para ipa­aresto ang suspek na naka­tangay sa kanila ng P60,000 kahit wala namang natupad sa pangako na makakapag-trabaho sila sa Korea.

Agad ikinasa ang plano at tinungo ang shrine ni Dr. Jose Rizal sa Luneta da­kong alas-7:00 ng gabi kung saan nadakip ang suspek.

Nabatid na isang Atty. Nora Maramba ang nag­pakilala umano sa mga bik­tima sa suspek at pinaasa sila na makakapagtrabaho sa Korea na may buwanang sweldo na P60,000 hang­gang P70,000.

Noong Biyernes, Enero 12, nagbigay umano sila ng tig-P20,000 sa suspek sa loob ng isang fastfood restaurant sa Carriedo, Sta. Cruz, Maynila subalit hindi sila inisyuhan ng opisyal na resibo at nang hingan sila muli ng karagdagang salapi ay nagsumbong na sila sa mga awtoridad. (Ludy Bermudo)

CERILO LLANASA JR.

CORAL STREET

CRUZ

DR. JOSE RIZAL

ERWIN MANWIT

JONALYN SUMAN

LUDY BERMUDO

LUNETA PARK

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with