^

Metro

Misis tinodas ng kapitbahay; 2 sugatan

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ina habang kritikal naman ang binata nitong anak at kasambahay makaraang pagsasaksakin ng kanilang kapitbahay na naghuramentado makaraang hindi masingil ang pautang sa mag-ina kamakalawa ng hapon sa Barangay Bagumbong, Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino Hospital sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktimang si Maria Teresita Daoang, 43 anyos, ng Senate Village, Barangay Bagumbong.

Inooserbahan naman sa FEU hospital sanhi ng saksak sa katawan ang anak ng nasawi na si Angelo Miguel Daoang, 18, at kasambahay na si Flordelisa Javier, 38, kapwa ng nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang nakatakas na suspek na si Winnie Parayray, nasa hustong gulang at kalugar ng mga biktima.

Sa ulat ng Caloocan police, naganap ang krimen dakong alas-4:00 ng hapon sa tapat ng bahay ng mga biktima. Nabatid na sumiklab ang kaguluhan nang maningil si Parayray ng umano’y utang sa kanya ng pamilya Daoang na hindi napagbigyan.

Dito nagkaroon ng sagutan at sigawan hanggang sa batuhin umano ni Angelo Miguel ang bahay ng suspek na galit na nanghabol bitbit ang isang patalim at pagsasaksakin ang mag-ina at si Javier. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANGELO MIGUEL

ANGELO MIGUEL DAOANG

BARANGAY BAGUMBONG

BERNARDINO HOSPITAL

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

FLORDELISA JAVIER

MARIA TERESITA DAOANG

SENATE VILLAGE

WINNIE PARAYRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with