^

Metro

Landlord pinatay ng sinisingil na tenant

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang welder ang na­matay nang pagsasaksakin ng isang street sweeper na nagalit matapos niya itong singilin sa kuryente sa inuupahan nitong bahay na pag-aari ng anak-anakan niyang babae sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang biktima na si Efren Sales, 38, may-asawa ng Baseco compound, Tondo, Manila.

Arestado naman ang suspect na si Wennie Malvin, 30, binata ng 27 Christine St., Parkway Ville, Barangay Apolonio Samson, Quezon City.

Sa ulat ni SPO1 Neil Gar­nace, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may mismong bahay ng suspek pasado alas-12:00 ng hatinggabi.

Bago nito, ayon kay Irene Enriquez, step daughter ng biktima, nag-iinuman ang dalawa nang komprontahin ng kanyang ama-amahan ang suspek kaugnay sa utang nito sa kuryente sa bahay na pag-aari niya.

Ang komprontasyon ay nauwi umano sa pagtatalo hanggang sa maawat silang dalawa ni Enriquez at umuwi ng kanyang bahay ang suspek.

Ilang minuto ang lumi­pas, pinuntahan ng biktima ang suspek sa kanyang bahay para pagsabihan ito na humingi ng paumanhin kay Enriquez ngunit, sa halip na tumugon, nagbunot ito ng patalim at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang una sa buong katawan.

Matapos ang pananak­sak ay mabilis na tumakas ang suspek ngunit sa ma­agap na pagresponde ng mga barangay tanod ay agad din itong naaresto.

Nakapiit ngayon ang suspect sa himpilan ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police District habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

BARANGAY APOLONIO SAMSON

CHRISTINE ST.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

EFREN SALES

ENRIQUEZ

IRENE ENRIQUEZ

NEIL GAR

PARKWAY VILLE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with