Vendor utas sa kapwa vendor
MANILA, Philippines - Patay ang isang vendor matapos na saksakin ng kanyang kapwa vendor kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital si Rolando Ignacio, 38, ng #310 F. Varona St., Tondo na nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pinaghahanap naman ang suspect na si Rolando Lopez, 22, ng Mata St., Tondo.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa panulukan ng #1425 Mata at Sampaguita Sts, Tondo.
Nabatid na nag-iinuman ang biktima at kapatid nitong si Anton nang galit na dumating ang suspect at pinagmumura ang una hanggang sa humantong sa pananaksak ng huli gamit ang isang kutsilyo. Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Away sa negosyo naman ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente. (Doris Franche)
- Latest
- Trending