^

Metro

Metro Manila di pa tatamaan ng rotating brownout

-

MANILA, Philippines - Ligtas pa sa “rotating brownout” ang Metro Manila at mga karatig la­ lawigan ma­karaang sabihin kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) na wala pang abiso sa kanila para magpatupad nito.

Sinabi ni Meralco Corpo­rate Communications Man­ager Dina Lomotan na wala pa silang natatanggap na abiso mula sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) hinggil sa iskedyul ng ipapatupad na rotating brown­out.

Gayunman, inihayag ni Lomotan na handa silang mag­­bawas ng supply ng kur­yente kung kinakailangan para ma­iwasan ang mas malaking problema.

Una nang iniulat na mag­kakaroon ng dalawang beses na rotating brownout kada araw sa Luzon dahil naka-shutdown umano ang Malam­paya Natural Gas Facility. 

Inaasahang mag-uumpisa at tatagal ang rotating brown-out mula Pebrero 16 hang­gang Marso 11 dahil sa pag­ka­ubos ng suplay ng kuryente sa Malaya power plant. (Danilo Garcia)

COMMUNICATIONS MAN

DANILO GARCIA

DINA LOMOTAN

GAYUNMAN

INAASAHANG

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO CORPO

METRO MANILA

NATIONAL GRID CORP

NATURAL GAS FACILITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with