Abogado todas sa aksidente

MANILA, Philippines - Patay ang isang abogado makaraang sumalpok ang sina­sakyan nitong kotse sa paanan ng flyover sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang nasawi na si Atty. Marcos Santiago Jr., 49, ng David St., Novaliches Proper, sa lungsod.

Nangyari ang insidente pasado ala-1 ng madaling-araw sa may EDSA Quezon Avenue Flyover. Diumano, ma­bilis na tinatahak ng Honda Civic (WGA-654) na mina­maneho ni Atty. Santiago ang lugar galing Monumento nang pag­sapit ng paanan ng flyover ay biglang nawalan ito ng kontrol at sumalpok sa paanan ng flyover. (Ricky Tulipat)

Show comments