^

Metro

Ex convict, balik kalaboso

-

MANILA, Philippines - Kalalaya pa lamang sa Sab­layan Penal Colony ma­tapos ang may 16 na taong pagkakakulong, kalaboso muli ang kinabagsakan ng isang 40-anyos na convicted sa kasong murder matapos magnakaw at mangmolestiya kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Romeo Balatbat, miyembro ng Commando Gang, resi­dente ng #1048 Solis St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni C/Insp. Edgardo Carpio, hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, naghain ng reklamo laban sa suspek sina Aileen Decena, 18; Eva Ramos, 43; at Jelly Vistro, 19; pawang re­sidente ng Tondo, Maynila.

Kapitbahay umano sila ng suspek kaya sinamantala nito ang mahimbing nilang pag­tulog dakong alas-2 ng ma­daling-araw, nang pasukin sila sa upahang kuwarto.

Nagising umano si Vistro nang maramdaman na may humihimas sa kanyang hita patungo sa kanyang kasela­nan. Nang dumilat ay nakita niyang nakahawak sa kan­yang hita si Balatbat habang may hawak umanong patalim.

Binantaan pa ng suspek si Vistro na huwag gagawa ng ingay at may masamang mang­yayari sa kanila, bago tuluyang umalis bitbit umano ang mga cellphone ng mga bik­tima at P5,000 cash.

Naispatan naman ng mga tanod ang papatakas na sus­pect kaya sinunggaban ito at muling naaresto. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AILEEN DECENA

COMMANDO GANG

EDGARDO CARPIO

EVA RAMOS

JELLY VISTRO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

MAYNILA

PENAL COLONY

ROMEO BALATBAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with