^

Metro

Atienza no show sa 'face-off'

-

MANILA, Philippines - Hindi dumalo si dating Manila Mayor Lito Atienza   sa ‘face-off’ o forum na isinagawa ng mga estudyante ng Philip­pine Normal University (PNU) para ilahad ng mga local can­didate sa lungsod ng Maynila ang kanilang plataporma para sa kanilang pagtakbo sa nala­lapit na eleksiyon.

Maagang dumating sa forum ang magka-tandem na sina Manila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno na sinundan naman ni dating PNP chief Director General Avelino Razon, Jr., Atty. Vladi­mir Cabigao ng Social Justice Society (SJS) at Manila 6th District Councilor Bojay Isip-Garcia.

Ayon kay Lim, hindi niya ipinagyayabang ang kanyang nagawa sa Maynila na kinabi­bilangan ng ospital, school building at maging ang mga libreng edukasyon, subalit hindi naman umano makata­ru­ngan na siraan siya ng kan­yang mga kalaban sa pulitika.

Iisa naman ang naging pananaw para sa kapaligiran sa Maynila nina Razon at Moreno kung saan dapat na maging transfer station lamang ang Pier18 at hindi maging isa pang Smokey Mountain.

Kaugnay nito, nagpaha­yag ng pagkadismaya at hindi nagustuhan ng ilang audience ang pahayag ng ilang orga­nizer ng forum kung saan tila ikinampanya nito ang mga kandidato na tutol sa oil depot samantalang hindi pa simula ng kampanya ng mga kandi­dato sa local level.

Ayon sa mga ito, ang forum ay para matulungan ang bo­tante na mamili at hindi turuan at impluwensyahan ang mga botante para sa inte­res ng iilan. (Doris Franche)

AYON

DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON

DISTRICT COUNCILOR BOJAY ISIP-GARCIA

DORIS FRANCHE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with