^

Metro

Nene nakaligtas sa tangkang kidnap

-

MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na batang babae ang naka­ligtas sa tangkang pagkidnap ng isang grupo ng mga sindikato na di-umano’y sangkot sa pagkuha ng mga laman-loob, partikular ang kidney ng tao, matapos na manlaban ang biktima habang ito ay itinatakas sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ito ang nabatid makaraang dumulog sa tanggapan ng Police Station 6 ng Quezon City Police ang mismong biktima na si Jovy Rose Soquirata, estudyante ng #31 Masbate St., Luzviminda, Batasan Hills sa lungsod upang magreklamo.

Ayon sa biktima, nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-11 hanggang alas-12 ng tanghali ng nakaraang Martes sa may Talanay St., malapit sa St. Anthony’s School sa na­sabing lugar.

Naglalakad umano ang biktima papauwi nang biglang huminto sa tapat nito ang isang puting van kung saan lumabas ang isang lalake at pilit na isinasakay ang una sa sasakyan.

Sa takot ng biktima ay nagpipiglas ito sa lalaki at nagawang makatakas nang kagatin niya ang huli sa kamay saka kumaripas ng takbo papalayo sa lugar. Habang ang nasabing sasakyan ay mabilis na lumayo.

Sinasabing habang isinasakay ng lalaki ang bata sa van ay natanaw pa nito ang tatlong mga bata sa van, kung kaya napilitan itong lumaban. Dala ng takot, hindi kaagad nakapag­sum­bong sa pulisya ang pamilya ng biktima hang­gang sa magdesisyon na ring mag­reklamo kamakalawa ng gabi sa pulisya.

Base sa impormasyon ng mga residente, posible anyang ang naturang mga suspect ay sangkot sa pagbebenta ng vital organ, parti­kular ang kidney ng isang tao.

Giit ng mga ito, isang bata umanong nawa­wala sa isang barangay dito ang natagpuang bangkay kamakailan at wala nang laman-loob.

Itinanggi naman ng mga tauhan ng Police Station 6 ng QCPD, ang nasabing isyu sa pag­sa­sabing matagal nang sabi-sabi ang ganitong balita ngunit wala umano sa kanilang lumalapit para ikumpirma ito o magreklamo.

Gayunman, magsasagawa sila ng imbesti­gasyon kaugnay dito. (Ricky Tulipat)

BATASAN HILLS

ISANG

JOVY ROSE SOQUIRATA

MASBATE ST.

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

ST. ANTHONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with