^

Metro

Sangkap ng bomba, nakuha sa LRT

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naantala ang operas­yon ng Light Railway Transit (LRT) 1 bunga ng na­tagpuang sangkap ng pam­pasabog sa hagdanan ng Vito Cruz-LRT Station sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Sa ulat ni C/Insp. Oliver Navales, hepe ng Manila Police District-Explosive and Ordnance Division (EOD), dakong alas-8 ng umaga nang matagpuan ang ammo­nium nitrate sa hagdanan ng north-bound station, malapit sa ha­rapan ng St. Benilde College, sa Taft Ave., Malate, Maynila.

Itinawag umano sa pulisya ng isang Susan Gonzaga, lady guard ng St. Benilde College ang nakita niyang plastic na nakasilid pa sa isang ice box na pinagduda­hang bomba.

Natukoy ng rumespon­deng tauhan ng EOD na isang Urea o carbamide na may chemical formula (NH2)2CO, na sangkap sa paggawa ng pampasabog ang laman ng plastic. Ito ay tumitimbang ng 1/4 kilo.

Sinabi ng EOD na wala namang kakayahang su­mabog ng nasabing sang­kap kung ito lang at ’di ha­ha­luan ng iba pang ke­mikal.

Naudlot ang biyahe ng tren at hindi rin nagpalabas at nag­papasok sa nasa­bing LRT station.

ITINAWAG

LIGHT RAILWAY TRANSIT

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MAYNILA

OLIVER NAVALES

SHY

ST. BENILDE COLLEGE

SUSAN GONZAGA

TAFT AVE

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with