8 miyembro ng carnap group, nalambat

MANILA, Philippines - Walong notoryus na kar­na­per na kinabibilangan ng kanilang dalawang lider ang nalambat sa isinagawang magkakasunod na operasyon ng Manila Police District-Anti-Carnapping and Anti-Hijack­ing (MPD-ANCAH), sa May­nila at Valenzuela City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Rolly Bartolo, 40, na unang nadakip at siyang kumanta sa hide-out ng mga kasamahang naaresto rin na sina Edmundo Bonifacio Millares, 26, sinasabing lider ng ‘Bonifacio group’; Natha­niel Rivera, 45; Rodel Overos, 22; Armando Vergara, 52; Christopher Ducot, 26; Jomel Salvatierra, 28, ang lider naman ng ‘Salvatierra group’; at Roel Overos, 29.

Ayon sa ulat, ang dala­wang nabuwag na grupo ay sinasabing responsable sa nagaganap na carjacking at carnapping sa bahagi ng Que­zon City at eastern parts ng Metro Manila.

“Itong grupo ay ang pinag­samang Bonifacio group at Salvatierra group. Bale nag­hihiraman sila ng mga miyem­bro kapag may isasa­gawang operasyon. Notorious sila at ang target ay mga sports utility vehicle at ibang high-end na mga kotse,” dagdag pa ni Maluyo.

Nabatid na unang na­aresto  si Bartolo sa Sta. Mesa, Maynila noong Martes ng hapon at ikinanta nito ang mga kasamahan na nagre­sulta sa pagkakadakip sa iba pa dakong alas-10 ng gabi, nitong Martes sa La Mesa St., Ugong sa Valenzuela .

Narekober ng mga awto­ridad ang kalibre .45 at kalibre .22 “Walter” pistola mula kina Bonifacio at Salvatierra.

Bukod dito, nasamsam din ang mga chop-chop na ba­hagi ng isang Hyundai car (ZKS-928); isang itim na Mit­su­bishi Montero Sport Ve­ hicle (NZI-624); at pulang “Honda” Enduro Motorcycle (OJ-7851).

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law laban sa walong suspek.

Show comments