^

Metro

'Kriminal ako, huwag tularan!'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - “Huwag akong tularan at ako’y kriminal!”

Ito ang katagang naka­sulat sa kapirasong karton na ipinatong sa bangkay ng isang lalake na nakagapos ang mga kamay at takip ang mga mata ng packaging tape at hini­hinalang pinatay sa sakal nang matagpuang nakasilid sa isang sako sa Project 6, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa pamamagitan ng isang identification card, nakilala ang biktima na si Frudencio Diamos Jr., 30, may-asawa ng Block 1, Lot 13, Gloria Compound, Pilar Village, Las Piñas City.

Ayon kay Chief Insp. Benjamin Elenzano, hepe ng CIDU, bukod sa marka ng tali, walang anumang nakitang sugat sa katawan ng biktima kung kaya pinaniniwalaang pinatay lamang ito sa pama­magitan ng sakal.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa may pagitan ng Road 10 at Road 32 sa na­sabing barangay ganap na alas-8:30 ng gabi ng Sabado.

Nauna rito, ayon kay Alfonso Cerezo, executive officer ng Barangay Project 6, alas-6:00 ng gabi nang ma­puna umano ng mga tauhan ng isang Mrs. Ong ang isang pinagtahi-tahing sako na naka­ hambalang sa nasabing lugar.

Dahil sa pag-aakalang ang laman ng sako ay isang patay lamang na hayop, binalewala ito ng mga nakakita. Ngunit makalipas ang ilang minuto, nang muling tignan ng mga katulong, nagduda ang mga ito kaya ipinasya nilang ipag­bigay alam ang nakita sa barangay.

Nang rumisponde ang mga opisyales ng barangay, saka nalaman na katawan ng tao ang laman ng sako sanhi upang ipabatid ito sa pulisya at nadiskubreng ang biktima ay may tali ng straw sa leeg at nakatali ng packaging tape ang mga kamay gayundin ang mga mata nito.

Ayon pa kay Cerezo, po­sibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa kanilang lugar. Ang bangkay ng biktima ay naka­lagak ngayon sa panganga­laga ng Blessed Funeral homes para sa kaukulang awtopsiya.

vuukle comment

ALFONSO CEREZO

AYON

BARANGAY PROJECT

BENJAMIN ELENZANO

BLESSED FUNERAL

CHIEF INSP

FRUDENCIO DIAMOS JR.

GLORIA COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with