^

Metro

2 obrero timbog sa panghahalay sa ginang

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga operatiba ng  Manila Police District (MPD) ang dalawang obrero na inireklamo ng isang ginang na umano’y halinhinang guma­hasa sa kanya sa loob ng construction site sa Intramuros, Manila.

Kinilala ang mga  suspek na si Nelson Cresaldo, 45, isang mason ng Pedro Sabido St., Las Piñas City  at Benjamin Catacutan, 44, karpin­tero ng Real St., Intramuros, Manila dahil sa reklamo ni Tina, hindi tunay na pangalan, 30, ng Intramuros, Manila.

Sa report ni SPO4 Cenon Parungao, desk officer ng MPD-Station 5, sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-7 ng gabi noong Enero 30 nang naganap ang umano’y panghahalay sa kanya sa loob ng construction site ng Seaman’s quarter sa kanto ng Real at Magallanes St., Intramuros, Manila.

Ayon sa salaysay ng biktima, nagtungo umano ito sa construction site upang maningil ng pa­utang matapos nitong nakausap sa cellphone si Cresaldo na naroon pa sila.

Inabutan umano ng biktima na nag-iinuman ang dalawa at nang nalasing na umano ang mga suspek ay puwersahan umano siyang hinalay ng dalawa sa  loob ng kubeta.

Kahapon lamang nagsumbong sa pulisya ng biktima dahil natatakot umano siyang malaman ng iba  ang pangyayari kayat kaagad nagtungo sa construction site ang mga awtoridad at na­aresto ang mga suspek.

Pareho namang itinanggi ng mga suspek na puwersahang hinalay nila ang biktima at sinabing kusang loob itong pumayag ng yayain ni Cresaldo sa CR at nanilip lamang umano si Catacutan. (Gemma Amargo-Garcia)

BENJAMIN CATACUTAN

CENON PARUNGAO

CRESALDO

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTRAMUROS

LAS PI

MAGALLANES ST.

MANILA POLICE DISTRICT

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with