^

Metro

Female urinals binuksan na ng MMDA

-

MANILA, Philippines - Inumpisahan nang ipa­ ga­mit ng Metropolitan Ma­nila De­velopment Authority (MMDA) ang tatlong female urinals na inisyal na itinayo ng ahensya sa tatlong lugar sa EDSA kahapon.

Sinabi ni MMDA Chairman Oscar Inocentes na inaasa­han niyang malaking tulong sa kababaihang mananakay ang naturang mga urinals. 

“We designed and built these facilities for exclusive use of women. We’re just hoping that they will try to use these so we would know what further improvements we need to make for their comfort and conve­nience,” ani Ino­centes.

Itinayo ng MMDA ang tat­long inisyal na female urinals sa ilalim ng EDSA-Ortigas flyover, isa malapit sa MRT-Quezon Avenue Station at isa malapit sa Quezon Avenue provincial bus terminal.

May sukat ang mga urinals ng 3’’x5’’, may sariling lababo at gripo, at nasa loob ang lock para sa “privacy” ng mga gu­ma­ga­mit. Kinulayan din ng ahensya ng apple green ang mga urinals na bahagi ng pro­grama nilang gawing “Metro Green” ang Metro Manila.

Tiniyak rin ni Inocentes na magiging malinis ang mga uri­nals dahil sa nagtalaga sila ng mga tauhan na siyang re­gular na lilinis dito sa loob ng 24 oras. 

Kukunan rin naman ng MMDA ng komento at suhes­tiyon ang kababaihan na ga­gamit ng mga urinals upang isama sa kanilang diskusyon para sa pagtatayo ng mga karag­dagang urinals sa iba pang panig ng Metro Manila. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

DANILO GARCIA

METRO GREEN

METRO MANILA

METROPOLITAN MA

QUEZON AVENUE

QUEZON AVENUE STATION

SHY

URINALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with