^

Metro

P3-MILYONG CASH TANGAY NG 6 NA ARMADO: 2 empleyado ng money changer hinoldap

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P3 milyon cash ang na­tangay ng mga armadong suspek sa dalawang emple­yado ng isang money changer habang pa­pasok sa harapan ng isang mall matapos na mag-withdraw ng pera sa banko, kama­kalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-Station 2 (Tondo) si Joe Arceo, may-ari ng Good Rate Money Changer sa L20 South Gate, Cluster Bldg., Tutuban Mall, Tondo, Manila.

Nagsasagawa naman ng manhunt ope­rations ang pulisya laban sa anim na arma­dong suspek na inilarawan na nasa pagi­tan ng 30-35 anyos, may taas na 5’5’’, ka­tam­taman ang mga katawan at armado ng kalibre 45, na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat na nakarating kay  Supt. Er­nesto Tender Jr., hepe ng MPD-Station 2, dakong alas-2:18 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa L-20 South gate, Cluster Bldg. Tutuban mall, Tondo.

Nabatid na nagwithdraw ng halagang P3 milyon sa Banco De Oro sina Edgardo Ace­veda, 33 at Isaias Jose Ignacio, 33, kap­wa mes­senger ng nasabing money changer at habang pabalik na sila sa loob ng mall ay bigla na lamang silang hinarang ng dalawa sa anim na suspek. Agad silang tinutukan ng baril at puwersahang inagaw ang isang kulay itim na “jam sport” bag na naglalaman ng pera.

Tinangkang pumalag ni Aceveda na siyang may hawak ng bag subalit lalong idiniin ang tutok ng baril ng mga suspek hanggang sa tuluyang nakuha ang bag na may lamang pera saka tumakas sa direk­siyon ng South Gate patungo sa Dagupan St., kung saan naghi­hintay ang apat pa nilang kasamahan na mag­ka­­angkas sa dalawa pang motorsiklo na Enduro saka humarurot sa direksyon  ng Moriones St.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

BANCO DE ORO

CLUSTER BLDG

DAGUPAN ST.

EDGARDO ACE

GOOD RATE MONEY CHANGER

ISAIAS JOSE IGNACIO

JOE ARCEO

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

SOUTH GATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with