3 grupong magtatakas kay Ampatuan, uunahan ng NBI
MANILA, Philippines - Uunahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkilos ng sinasabing tatlong grupo na may planong itakas si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. mula sa NBI detention.
Ayon kay Atty. Ric Diaz, tagapagsalita ng NBI at hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU), sila na ang unang aatake at aaresto sa mga hide-outs ng tatlong grupo matapos makakuha na rin sila ng outstanding warrants of arrest sa iba’t ibang kaso na kinasasangkutan ng mga miyembro ng 3 grupo.
“The NBI cannot just be prepared for our defensive moves to counter attack of Ampatuan’s supporters in the event that they tried to escape Ampatuan Jr. from the NBI jail. We cannot just wait here for them to carryout their move. We expand our operations to find and arrest them and we are now implementing pro-active moves,” ayon kay Diaz.
Kabilang sa tinutukoy na mga grupo ang mga dating pulis, mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ilan pang tagasunod na Ampatuan na pawang kaanak umano nito na nagpaplanong itakas ang alkalde, base sa nakalap na intelligence reports ng NBI.
Hindi naman nagbigay ng detalye at mga pagkilanlan ng pakay ng pag-aresto si Diaz upang hindi umano masunog ang kanilang gagawing operasyon.
Noong nakaraang linggo ay isinailalim na ng Department of Justice sa extraordinary alert ang NBI dahil sa mga banta na itakas si Andal Ampatuan Jr. base sa nakuhang coded message kasama ng rifle grenade sa isang mall sa Greenhills, San Juan City. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending