^

Metro

Assistant manager pumalag sa holdap, todas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang assistant manager sa isang con­ve­nience store nang barilin sa mukha ng mga holdaper matapos na pumalag ang una habang nagwi-withdraw ito sa isang ATM sa Sampaloc, Maynila.

Kahapon lamang natukoy ang pagkakakilanlan ng bikti­mang si Jacen Reyes, 31, assistant manager ng Mini-Stop convenience store at residente ng Quintos St., Sampaloc. Sinabi ni C/Insp. Erwin Margarejo, hepe ng Manila Police District-Homi­cide Section na unang na­rekober ang isang pula na Suzuki Shogun 125cc  motor­cycle Q-7788 na gamit umano ng bik­tima at hindi naman rehistrado sa LTO.

“Walang record sa LTO ’yung motor niya kaya lalo kaming nahirapan para ma­kilala ’yung biktima,” ayon kay Margarejo.

Nabatid na naganap ang insidente dakong ala-1 ka­ma­kalawa ng madaling-araw sa harap ng GE Money Bank na matatagpuan sa panulukan ng  M. dela Fuente at J. Fajardo Sts., Sampaloc.

Nagwi-withdraw umano ang biktima sa ATM nang la­pitan ng mga suspect. Gayun­man, pumalag sa holdap ang biktima dahilan kaya siya binaril nang malapitan sa mukha ng mga salarin.

Matapos bumulagta ay tinangay ng mga suspect ang pera at mga gamit ng biktima.

Napuna lamang ang naka­bulagtang biktima ng mga nagpapatrulyang ba­rangay tanod na nagsugod dito sa ospi­tal subalit hindi na rin na­isalba pa ang buhay. (Ludy Bermudo)

ERWIN MARGAREJO

FAJARDO STS

FUENTE

JACEN REYES

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MONEY BANK

QUINTOS ST.

SHY

SUZUKI SHOGUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with