^

Metro

UP student nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ang labis na pagdaram­dam matapos na umano’y mag-break ng kanyang boy­friend ang nagtulak sa isa umanong bading na UP stu­dent para magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Andrian Solomon Olym­­pia, 22, binata, ng 20th Ave., Cubao, Quezon City ay na­gawa pang maitakbo sa Qui­rino Memorial Medical Cen­ter (QMMC) ngunit ha­bang nila­lapatan ng lunas ay nasawi rin ganap na alas-3:20 ng ma­daling-araw.

Base sa ulat ni PO2 Loreto Tigno, nadiskubre ang pagpa­pa­kamatay ng biktima ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Bago nito, naibulalas umano ng nasawi sa kanyang ka-roommate na si Frances Grace Mortel ang problema niya sa pananalapi, gayundin ang umano’y break-up nila ng kanyang kasintahan. Dagdag pa dito, gusto rin umanong lumipat ng school ang biktima subalit dahil sa kapos sa pera hindi nagawa na isa pa sa dinamdam nito.

Sinasabing naabutan na lang ni Mortel, isang art teacher, ang kaibigan na nakabitin sa hagdanan gamit ang isang antenna wire na nakapulupot sa kanyang leeg.

Agad itong kinalas ni Mortel at humingi ng saklolo sa ilang kapitbahay para maisugod sa nasabing ospi­tal ang biktima, ngunit hindi na naisalba ang buhay nito.

Ayon kay Tigno, patuloy ang imbestigasyon na ka­nilang ginagawa patungkol sa insidente upang mabatid kung may naganap na foul play.

vuukle comment

AYON

CUBAO

DAGDAG

FRANCES GRACE MORTEL

LORETO TIGNO

MEMORIAL MEDICAL CEN

MORTEL

QUEZON CITY

SHY

SI ANDRIAN SOLOMON OLYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with