MANILA, Philippines - Tututukan ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang lahat ng piitan sa bansa bunga ng isyu na namamayagpag pa rin ang bentahan ng droga dito sa kabila ng mahigpit na pagbabantay.
Aksyon ito ni PDEA Director General Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago kasunod ng kaso ng isang detenidong Chinese national na si William Ong na patuloy na nakikipagkalakalan ng bawal na gamot habang nasa loob ng piitan.
Napaulat kasi na muntik nang mailusot ni Ong ang may limang kilong shabu kahit na siyay nakapiit sa Muntinlupa City Jail.
Si Ong ay nahatulan ni Judge Severino de Castro at kasabwat nitong si Willy Sy ng habambuhay na pagkakakulong matapos mahuli sa aktong nagbibenta ng halos limang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA.
Napiit si Ong sa NBP noong 2003 ngunit sa kabila ng pagiging preso nito ay patuloy ang pakikipag-transaksyon nito sa kanyang mga counterpart sa labas ng piitan para makapag-operate ng iligal na droga. (Ricky Tulipat)