^

Metro

Drug trade sa piitan tinutukan

-

MANILA, Philippines - Tututukan ng pamu­nuan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang lahat ng piitan sa bansa bunga ng isyu na nama­mayagpag pa rin ang bentahan ng droga dito sa kabila ng mahigpit na pagbabantay.

Aksyon ito ni PDEA Director General Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago kasunod ng kaso ng isang deteni­dong Chinese national na si William Ong na patuloy na nakikipagkalakalan ng bawal na gamot habang nasa loob ng piitan.

Napaulat kasi na mun­tik nang mailusot ni Ong ang may limang kilong shabu kahit na siyay nakapiit sa Muntin­lupa City Jail.

Si Ong ay nahatulan ni Judge Severino de Cas­tro at kasabwat nitong si Willy Sy ng ha­bambuhay na pagkaka­kulong mata­pos mahuli sa aktong nag­bibenta ng halos limang kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA. 

Napiit si Ong sa NBP noong 2003 ngunit sa kabila ng pagiging preso nito ay patuloy ang paki­kipag-transaksyon nito sa kanyang mga counter­part sa labas ng piitan para makapag-operate ng iligal na droga. (Ricky Tulipat)

AKSYON

CITY JAIL

DIRECTOR GENERAL SENIOR UNDERSECRETARY DIONISIO R

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUDGE SEVERINO

ONG

RICKY TULIPAT

SHY

SI ONG

WILLIAM ONG

WILLY SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with