^

Metro

Japinoy todas sa kainuman

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang 24-anyos na Filipino-Japanese makaraang paluin ng bato sa ulo at saksakin ng isa nitong kainuman matapos magtalo, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Hindi na naisalba ng mga mangagamot habang nila­lapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Kenji Okuda, residente ng Patola St., Brgy. Tumana, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na sus­pek na si Mark Anthony Carino, alyas Boy Tusok, resi­dente naman ng 59 Ampalaya St., ng naturang barangay.

Sa ulat ng Marikina police, naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi sa may Singkamas St., Brgy. Tumana, kung saan nakikipag-inuman ang biktima sa mga kalugar. Dala ng kalasingan ay biglang nagtalo ang biktima at suspek hinggil sa kanilang iinumin.

Dumampot ng malaking tipak ng bato ang suspek at patraydor na hinampas umano sa ulo ng biktima saka bumunot ng patalim at itinarak sa katawan ng naka­bagsak na Japinoy.

Mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang patalim na ginamit sa krimen. Nahaharap naman ngayon ito sa kasong murder sa piskalya. (Danilo Garcia)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AMPALAYA ST.

BOY TUSOK

BRGY

DANILO GARCIA

KENJI OKUDA

MARIKINA CITY

MARK ANTHONY CARINO

PATOLA ST.

SINGKAMAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with