^

Metro

Car plates na nagtatapos sa 1, hindi huhulihin - LTO

-

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Arturo Lomi­bao sa lahat ng tauhan nito nationwide laluna sa law enforcement units ng ahensiya na huwag hu­lihin ang mga sasakyan na ang plaka ay nagta­tapos sa numero 1.

Sa ipinalabas na me­morandum order ni Lo­mibao sa kanyang mga tauhan na huwag hulihin at huwag pagmul­ta­hin ang mga driver at owners ng mga sasak­yan na may car plate ending 1 dahil sa kaku­langan na rin ng ahensiya ng 2010 stickers at year tags.

Sinabi ni Lomibao na biglaan ang pagtaas ng bilang ng mga nagre­histrong mga sasakyan sa pagpasok ng taong 2010 kaya’t nagkulang sila ng documented forms tulad ng stickers, tags gayundin anya ng or/cr.

Tiniyak naman ni Lomibao na sa Pebrero 8 ay babalik na sa normal ang sitwasyon ng mga kailangang dokumento sa LTO dahil darating na sa araw na ito ang re­quest nilang docu­mented forms ng ahen­siya. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF ARTURO LOMI

CRUZ

IPINAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LOMIBAO

PEBRERO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with