^

Metro

Contractors sa Edsa, kinastigo ng MMDA

-

MANILA, Philippines - Nagbanta kahapon si Metropolitan Manila Deve­lop­ment Authority (MMDA) Chairman Oscar Ino­centes na ipaaaresto niya at sasampahan ng kaso ang mga tauhan ng mga kontraktor na magsasagawa ng trabaho at lilikha ng pagbubuhol ng trapiko sa EDSA.

Isinagawa ni Inocentes ang pagbabanta maka­raang putaktihin ng reklamo at sisihin ng publiko ang MMDA sa naranasang matinding pagsisikip ng trapiko mula nitong Sabado hanggang Lunes sa EDSA.

Sinabi nito na kanila ring kukumpiskahin ang mga kagamitan sa konstruksyon na babara sa kalsada lalo na kung “rush hours”. Nanawagan ito sa mga kon­traktor na sumunod sa kanilang mga pamantayan at makipagkoordinasyon nang maayos sa MMDA bago magsagawa ng kanilang trabaho.

Nabatid na nakipagpulong si Inocentes sa mga kinatawan ng mga pribadong kontraktor ng Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH) at mga telecommunications company kung saan sinabon niya ang mga ito.

Ipinunto ni Inocentes, dating trial judge, sa DPWH contractors na hindi sila nagsumite ng “notice” sa MMDA bago harangan ang ilang bahagi ng EDSA.

Iginiit din nito sa mga district engineer at kontraktor ng DPWH na ilipat ng petsa sa bakasyon ang ka­nilang mga paghuhukay at paglalagay ng harang sa EDSA. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN OSCAR INO

DANILO GARCIA

IGINIIT

INOCENTES

IPINUNTO

ISINAGAWA

METROPOLITAN MANILA DEVE

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with