^

Metro

Binatang ama, patay sa silver cleaner

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - “Ha, Ha, pare gusto ko sa burol ko, andun kayo lahat ha, gusto ko buo tayo, no pets allowed, ha, ha. Sa mahal ko, gusto ko sa next life, tayo pa rin ang magkita, mahal na mahal kita.”

Ito ang bahagi ng suicide note na iniwan ng isang 19-anyos na computer shop personnel na nagpaka­matay sa loob ng na­sabing establisimento, habang nakikipagta­wagan sa kanyang nobya, na nakipag­kalas sa kanya, sa Tondo, Maynila, ka­hapon ng madaling- araw.

Kinilala ang nasawi na si Rommel Caballe­ro Lingat, high school graduate , stay-in computer shop staff, na nasa Sta. Maria corner, Moriones St., Tondo.

Tatay siya ng 7- buwan gulang na la­laking sanggol sa nob­yang si Aurora Lopez, 20, 3rd  year college ng University of Manila.

Sa imbestigasyon ni Det. Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang in­ sidente dakong alas-4:30 hang­gang alas-5:00 ng ma­daling-araw kahapon (Mar­tes), sa loob ng pi­nag­li­lingkurang inter­net shop.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang madiskubre ng mga kasamahan na patay na ang biktima.

Naiiwan umano   itong mag-isa sa pi­napasukang establisi­mento kaya walang nakapigil sa pag-inom nito ng silver cleaner, batay sa natagpuang basyo ng isang plastic mineral water.

Sa panayam kay Lopez, bago ito ay nag­kausap pa sila ng nasawi na rito ay   ti­napos na niya ang lihim nilang pagkikita upang makapag-concentrate sa pag-aaral. Nabatid na ayaw ng mga magulang ng ba­bae sa nasawi.

“Maya-maya, siguro mga 30 mins. kaming nakakapag-usap, nari­nig ko na lang na umu­ungol na siya pero na­takot din ako sa mga sinabi niya na ‘Mahal na mahal kita, magkita tayo sa next life at ba­sahin mo nalang ang iiwan kong sulat, hu­wag mong pabayaan ang anak natin’ tapos nun ungol na lang ang narinig ko,” ani Lopez.

Sinabi rin sa 3-pahi­nang suicide note na inihahabilin ng biktima sa mga tropa (kaibi­gan) niya ang anak at ipinaliwanag din kung bakit niya nagawa ang pagpapakamatay, ta­liwas sa pagkakaki­lala na isa siyang ma­tapang at matatag.

“Pare iba sa kilala niyong Rommel, di ko talaga kaya na mag­mahal ng iba kaya de­sisyon ko na iwan na lang siya dahil mahal na mahal ko siya (pa­tungkol sa nobya), kahit sabihin niyo sa akin na mag-try ng ibang babae dahil marami namang ba­bae diyan, pero kahit sa kabilang buhay, gusto ko kami pa rin ang magkita.”

AURORA LOPEZ

JONATHAN RUIZ

LOPEZ

MAHAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MORIONES ST.

NABATID

ROMMEL CABALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with