^

Metro

PINAG-AARALAN NG NBI: Hold order vs Marlene Aguilar

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng National Bureu of Investigation (NBI) kung hihilingin sa korte ang  hold order laban kay Marlene Aguilar dahil sa posibilidad na maka­labas ito ng bansa.

Si Aguilar, ina ng murder suspect na si Jason Ivler, ay nahaharap sa kasong obstruction of justice at panibagong kasong accomplice sa complex crime of direct assault with frustrated murder and complex crime of direct assault with attempted murder.

Kaugnay ito sa pagka­ka­sugat ng 2 NBI agents noong Enero 18 matapos na manlaban si Ivler sa mga ahente ng NBI na nag-operate sa kanilang bahay sa Blue Ridge Subdivision sa Quezon City.

Si Aguilar ay inakusa­hang nakipagsabwatan dahil sa paggamit ng earpiece gadget upang ipa­alam sa anak ang mga na­ga­ganap sa isinagawang raid.

Kahit hindi pa umano naikokonsidera na ‘flight risk’ si Aguilar, naniniwala si NBI Special Action Unit, Head Agent Angelito Mag­no na may kakayahan itong makapaglabas-masok sa bansa.

“Sa linggong ito natin malalaman ang resulta ng pag-aaral na gagawin ng ating mga agents kung may basehan nga kami para humingi ng hold departure order laban kay Aguilar,” ani Magno.

Kaugnay nito, sa ling­gong ito rin malalaman ang resulta ng imbestigas­yon nila hinggil sa kung dapat na kasuhan din ang mister ni Aguilar na si Stephen Pollard, economist at consultant ng Asian Development Bank.

“Hinihintay lang natin na ma-finalize ng mga agents natin yung mga nakalap nilang impormasyon. Sa linggong ito natin malala­man yung resulta nung imbestigasyon natin kung may kinalaman ba si Pollard sa kaso,” ani Magno.

AGUILAR

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BLUE RIDGE SUBDIVISION

HEAD AGENT ANGELITO MAG

JASON IVLER

KAUGNAY

MAGNO

MARLENE AGUILAR

NATIONAL BUREU OF INVESTIGATION

SHY

SI AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with