^

Metro

3 Chinese timbog sa ni-raid na shabu lab

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Tatlong pinaghihinala­ang big-time Chinese drug traf­ficker ang nasa­kote ng mga operatiba ka­sunod ng gina­wang pag­salakay sa isang  mini shabu laboratory sa Para­ñaque City kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni PNP-Anti-Illega­l Drugs Special Ope­rations Task Force (PNP-AID-SOTF) chief Deputy Director General Jeffer­son Soriano ang mga nasako­teng suspect na sina Chu Kin Tung, alyas  Toni Lim, 36, tu­bong Hong Kong; A Chi, 29; at Wong Min Pin, alyas Chua, 47, ng Macau, China.

Bandang alas-5 ng hapon nang magsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa bisa ng search warrant na ipinala­bas ni Pa­rañaque Regional Trial Court Presiding Judge Aida Maca­pagal sa inuupa­hang apart­­ment ng mga suspect sa #144 Concha Cruz Drive, BF Homes, Para­ñaque City.

Bago ito, ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Leo­nardo Espina ay naka­tanggap ng impor­masyon ang mga opera­tiba hinggil sa ilegal na aktibidades ng mga na­sabing dayuhan sa na­turang lugar.

Agad itong isinailalim sa surveillance operations at nang magpositibo ang impor­masyon ay isina­gawa ang raid.

Nasamsam sa raid ang ‘kitchen type shabu labo­ra­tory’,   isang Glock 9mm na may silencer, isang fragmen­tation grenade, hindi pa ma­deter­minang dami ng shabu at mga kemikal na gamit sa pag­gawa nito gayundin ang sari-saring mga kaga­mitan sa pag­gawa ng shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang mga nasakoteng suspect.

A CHI

CHU KIN TUNG

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JEFFER

DRUGS SPECIAL OPE

HONG KONG

REGIONAL TRIAL COURT PRESIDING JUDGE AIDA MACA

SHY

SPOKESMAN CHIEF SUPT

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with