Dahil sa tilaok ng manok magnanakaw, timbog

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtilaok ng mga manok, isang binata ang na­dakip matapos magising ang may-ari ng mga pana­bong na manok na ninana­kaw ng una sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Carlito Santos, 27, ng Mansa­nas St., Bagong Barrio, Ca­loocan City.

Sa pahayag ni Severino Fran­cisco, 70, ng Francisco St., Parada ng lungsod, da­kong alas-4 ng umaga, na­gising siya nang tumilaok ang kanyang mga manok na panabong.

Nakaugalian na ng biktima na bumaba upang bisitahin ang kanyang mga alagang manok sa tuwing tumitilaok na ang mga ito. Laking gulat ng biktima nang makitang bitbit ng sus­pek ang dalawa sa kanyang mga pa­nabong na naging dahilan upang magsisigaw ito.

Narinig naman ng mga ka­pit­bahay ang paghingi ng sak­lolo ng biktima na naging da­hilan upang habulin at ma­dakip ang papatakas na sus­pek at mabawi ang ninakaw nitong mga manok. (Lordeth Bonilla)

Show comments