^

Metro

5 rookie cops, sibak agad

-

MANILA, Philippines - Hindi pa man opisyal na nagagampanan ang sinum­pa­ang-tungkulin, sibak na agad sa pagiging pulis ang limang bagong graduate na alagad ng batas makaraang ipag-utos ni National Capital Re­gion Police Office (NCR PO) chief, Director Ro­berto Rosales.

Bukod dito, inilarawan pa ni Rosales ang mga pulis na nakakahiya sa kanilang hanay dahil sa ginawang walang habas na pagpapaputok ng baril kahit na batid ang ipina­pa­tupad na “gun ban” sa bayan ng Pateros.

Nakilala ang mga pulis na sina PO1s Rollie Cain, Albert Gener, Ardie Vergara, Sal­vador Alfelor at Celso Rey, pawang mga nakatalaga sa Regional Mobile Group ng NCRPO.

Base sa record, pumasok sa serbisyo ang mga ito noong 2008 at katatapos pa lamang ng kanilang “Basic Recruit Course and Field Training Program”. Naka­takda rin sana ang mga ito na ilabas na para gampanan ang kanilang tungkulin.

Bukod sa “summary dis­missal proceedings”, sinam­pahan na rin ng kasong krimi­nal na paglabag sa Comelec Gun Ban, illegal discharge of firearm at alarm and scandal ang naturang mga suspek.

Ayon sa ulat ng Pateros police, nag-iinuman ang mga suspek sa loob ng bahay ni PO1 Gener sa Brgy. Sto. Rosario-Silangan nitong Enero 27 nang isa sa mga ito ang nagpaputok ng baril.

Isang residente naman ang tumawag sa PNP Patrol 117 at isinumbong ang in­sidente. Mabilis na rumes­ponde ang mga tauhan ng Pa­teros police na nagresulta sa pag­kaka­dakip sa limang mga bagitong pulis kung saan nakumpiska kina Alfelor, Ver­gara at Cain ang tatlong kalibre .45 baril.

Nilinaw naman ng NCRPO na hindi pa naiisyuhan ng baril ang mga bagong graduate na pulis at nakatakdang imbesti­gahan ang mga ito kung legal ang mga baril na nakuha sa kanila. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALBERT GENER

ALFELOR

ARDIE VERGARA

BASIC RECRUIT COURSE AND FIELD TRAINING PROGRAM

BUKOD

CELSO REY

COMELEC GUN BAN

DANILO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with