^

Metro

3 karnaper ng motorsiklo arestado

-

MANILA, Philippines - Arestado ang tatlong kilabot na magnanakaw ng motorsiklo matapos na maispatan sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Ian Torres, 31; Oliver Ocampo, 30 at Michael Franco, 31, pawang naninirahan sa Petronia St., Novaliches sa lungsod.

Ayon sa pulisya, nadakip ang mga suspek mata­pos na tangkain ng mga itong agawan ng SYM magic motorcycle (OZ-8385) ang biktimang si Anthony Dio 27, residente ng Brgy. Villa Sambina sa lungsod.

Nangyari ang insidente malapit sa tirahan ng biktima pasado alas -2 ng madaling-araw.

Diumano, nagpapatrulya ang mga awtoridad sa lugar nang mapuna nila ang mga suspek na nakiki­pambuno sa biktima habang inaagaw ang motorsiklo ng huli.

Dahil dito, agad na sinaklolohan ng mga pulis ang biktima at naaresto si Franco, habang nakatakas naman ang mga kasamahan nito. Sa interogasyon, inginuso ni Franco ang mga kasamahan kung kaya sa follow-up operation ay nadakip rin ang mga ito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANTHONY DIO

ARESTADO

AYON

MARK IAN TORRES

MICHAEL FRANCO

OLIVER OCAMPO

PETRONIA ST.

RICKY TULIPAT

VILLA SAMBINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with