Jueteng pinasilip sa NBI
MANILA, Philippines - Nanawagan kamakalawa si National Security Adviser Undersecretary Luis “Chavit” Singson sa National Bureau of Investigation na siyasatin din ang muling paglaganap ng jueteng sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon at Visayas.
Pinuna ni Singson na ilang tiwaling lokal na opisyal ng pamahalaan at pulisya ang nagbibigay ng basbas sa muling pagkalat na ito ng illegal number game.
Sa isang sulat, hiniling ni Singson kay NBI Director Nestor Mantaring na tumulong sa pagsugpo sa jueteng.
Sinabi pa ni Singson na may mga tao na ginagamit ang kanyang pangalan sa operasyon ng jueteng sa Metro Manila.
Ayon naman sa Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pamu muno ni Rev. Pedro Quitorio, gumagamit na ng mga menor de edad na babae at lalaki ang mga namamalakad ng jueteng at ibang pasugalan sa southern Metro Manila.
- Latest
- Trending