^

Metro

2 sa dollar ring tiklo

-

MANILA, Philippines - Naaresto ang dalawang miyembro ng isang sin­dikatong nagpapakalat at nagbebenta ng pekeng US dollars at nasamsaman din ng 1,400 piraso ng ‘US$100 bills’ na umaabot sa katumbas na halagang US$140,000 (P6.4 milyon) sa Pasay City.

Sa ulat ni National Bureau of Investigation Di­ rector Nestor Mantaring, nadakip sa buy-bust operation ang mga suspek na sina Jesus Tolentino de Leon, 54, ng Sta. Rosa, Laguna at Ernesto Clavio Pascual, 53, ng Molino 2, Bacoor, Cavite. Inalok umano ang isang informer ng mga suspek na may ibebenta silang 20 bundles ng US$100 bills na may tig-100 piraso ang bawat bundle at ang tran­saksyon ay itinakda noong Enero 21.

Sa sertipikasyon na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lumabas sa inisyal na pagsusuri na pawang peke ang mga dolyares. Sinampahan na ka­hapon sa Pasig Prosecutor’s Office ng kasong pag­labag sa Article 168 ng Revised Penal Code ang dalawa. (Ludy Bermudo)

BACOOR

BANGKO SENTRAL

ERNESTO CLAVIO PASCUAL

JESUS TOLENTINO

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION DI

NESTOR MANTARING

PASAY CITY

PASIG PROSECUTOR

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with