'Anak ko ang apo ko'

MANILA, Philippines - Isang 52-anyos na sidecar boy ang naku­long kamakalawa ng hapon sa himpilan ng Manila Police District dahil sa umano’y pang­ha­halay niya sa kan­yang sariling anak na matatawag din na sarili niyang apo.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ro­gelio Ocampo ng 1232-G Quirino Ma­late, Manila­.

Inireklamo si Ocam­po ng panghahalay umano sa biktimang iti­nago sa alyas na Jeng-Jeng noong Enero 21 ng taong ito.

Lumitaw sa imbes­tigasyon na naunang na­kasuhan at naku­long si Ocampo noong 1998 dahil sa pang­gagahasa sa anak niyang si Maria The­resa noong 17-an­yos pa lang ito.

Nabuntis si Maria Theresa hang­gang isi­lang nito si Jeng-Jeng na maitutu­ring na anak at apo ni Ocampo.

Gayunman, nama­tay sa sakit na hika si Maria Teresa kaya na­ba­le­wala ang kaso at na­ka­laya si Ocampo noong Peb­rero 14, 2004.

Muli namang naku­long si Ocampo dahil sa umano’y panggaga­hasa niya sa 20-anyos na anak na panganay na itinago sa alyas na Thelma.

Naglayas at pu­munta sa Laguna si Thelma pero namatay rin ito sa hika kaya muling nakalaya ang suspek noong Setyem­bre 2009.

Sa presinto, itinang­gi ni Ocampo na siya ang gumahasa sa kan­yang mga anak at pina­bulaanan na anak niya si Jeng-Jeng baga­­man inamin na anak ito ni Maria Teresa.

“Wala, wala po akong ginahasa,hindi ko anak iyon, apo ko yon, may asawa ’yon,” anang suspek.

Nabatid na matagal nang hiwalay ang sus­pek sa kaniyang asa­wa at lulong umano ito sa iligal na droga.

Show comments