'Anak ko ang apo ko'
MANILA, Philippines - Isang 52-anyos na sidecar boy ang nakulong kamakalawa ng hapon sa himpilan ng Manila Police District dahil sa umano’y panghahalay niya sa kanyang sariling anak na matatawag din na sarili niyang apo.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rogelio Ocampo ng 1232-G Quirino Malate, Manila.
Inireklamo si Ocampo ng panghahalay umano sa biktimang itinago sa alyas na Jeng-Jeng noong Enero 21 ng taong ito.
Lumitaw sa imbestigasyon na naunang nakasuhan at nakulong si Ocampo noong 1998 dahil sa panggagahasa sa anak niyang si Maria Theresa noong 17-anyos pa lang ito.
Nabuntis si Maria Theresa hanggang isilang nito si Jeng-Jeng na maituturing na anak at apo ni Ocampo.
Gayunman, namatay sa sakit na hika si Maria Teresa kaya nabalewala ang kaso at nakalaya si Ocampo noong Pebrero 14, 2004.
Muli namang nakulong si Ocampo dahil sa umano’y panggagahasa niya sa 20-anyos na anak na panganay na itinago sa alyas na Thelma.
Naglayas at pumunta sa Laguna si Thelma pero namatay rin ito sa hika kaya muling nakalaya ang suspek noong Setyembre 2009.
Sa presinto, itinanggi ni Ocampo na siya ang gumahasa sa kanyang mga anak at pinabulaanan na anak niya si Jeng-Jeng bagaman inamin na anak ito ni Maria Teresa.
“Wala, wala po akong ginahasa,hindi ko anak iyon, apo ko yon, may asawa ’yon,” anang suspek.
Nabatid na matagal nang hiwalay ang suspek sa kaniyang asawa at lulong umano ito sa iligal na droga.
- Latest
- Trending