^

Metro

Urban gardening palalakasin ni Joy B

-

MANILA, Philippines - Palalakasin ni Quezon City Vice Mayoralty­ candidate Joy Belmonte ang urban gardening o paghahala­man sa lunsod sa pama­ma­gitan ng kanyang Ilaw ng Bayan Foundation at QC Ladies Foundation.         

Ito ang nabatid na isa sa mga programang binaba­lang­kas ni Belmonte para sa mga mahihirap na residente ng lunsod lalo na sa mga ka­bataang hindi makapag-aral at sa mga ina na walang hanapbuhay.     

Sa programa ng urban gardening, tutu­tukan nito na magkaroon ng kaalaman sa ibang ma­pag­kakakitaan ang mga out-of-school youth at mga nanay na walang hanap­buhay.    

Sinabi ni Belmonte na mas mainam na mabigyan ng kaukulang hanapbuhay ang mga residente ng lunsod na nasa bahay lamang para makatulong sa pamilya sa gastusin sa araw-araw na pamumuhay.   

Alinsunod anya sa kan­yang programa dito, mami­migay ang foundation sa mga residente ng mga buto ng iba’t ibang halaman para maitanim sa kanilang mga bakuran at ka­ukulang seminar kung paano ito aalagaan at mapaparami upang ku­mita mula rito.     

Bukod pa rito ang kaala­man sa ibang puwedeng pagkakitaan tulad ng pag­gawa ng sabon, basket at iba pa. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALINSUNOD

BAYAN FOUNDATION

BELMONTE

JOY BELMONTE

LADIES FOUNDATION

QUEZON CITY VICE MAYORALTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with