Videoke bar natupok, 1 nalitson

MANILA, Philippines - Nalitson ang isang 31-an­yos na caretaker at nagsi­silbi ring waiter ng isang maliit na videoke bar na natupok sa isang sunog kahapon ng umaga sa Sucat Highway, Parañaque City.

Nakilala ang natustang bangkay na si Martin Me­dallada, stay-in sa Wine Star Bar sa Barangay San Antonio, Sucat Highway.

Bukod sa naturang video­ke bar, lima pang mga maliliit na establisimyento, kabilang ang kantina na pag-aari ng isang nakilala sa pangalang Merly Asperilla, ang naabo sa halos isang oras na sunog.

Batay sa imbestigasyon nina SFO4 Arturo Castro at SFO1 Angelito Panes ng Parañaque City Bureau of Fire Pro­tection, nagsimula ang sunog sa loob mismo ng Wine Star Videoke Bar at mabilis na kumalat sa mga katabing establisimyento na karamihan ay yari sa “light materials”.

Nabatid na matagal na umanong sarado ang natu­rang bar at tanging si Medalla­da na lamang ang naiwan dito at natutulog ng naturang oras. (Danilo Garcia)

Show comments