P2.16-bilyong pondo ng Quezon City

MANILA, Philippines - Nakapagpondo ang pa­ma­halaang-lunsod ng Que­zon City ng may P2.16 bilyon noong nakaraang taon para gastusan ang iba’t ibang in­frastructure development pro­jects sa Quezon City na layu­ning higit na mapabuti ang interes ng mga taga-lunsod.

Sa kabuuang 284 pro­yekto na nai-award sa pama­magitan ng biddings, may 212 ang natapos na o may 75 percent na ang nakukumpleto ng city government.

Karamihan sa bulto ng infrastructure projects ay na­uwi sa mga lansangan ka­sama na ang pag-aspalto ng kalsada, drainage improve­ment at road at sidewalk development.

Bukod dito, napondohan din ang pagtatayo ng mga paaralan.

Nais ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel­ monte na makumpleto ang lahat ng infrastructure pro­jects niya bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 ng taong ito.

Ilan sa mga tinatapos nga­yong proyekto ni Belmonte ang P550 milyong bagong 200-bed capacity medical center para sa QC General Hospital. (Angie dela Cruz)

Show comments