P2.16-bilyong pondo ng Quezon City
MANILA, Philippines - Nakapagpondo ang pamahalaang-lunsod ng Quezon City ng may P2.16 bilyon noong nakaraang taon para gastusan ang iba’t ibang infrastructure development projects sa Quezon City na layuning higit na mapabuti ang interes ng mga taga-lunsod.
Sa kabuuang 284 proyekto na nai-award sa pamamagitan ng biddings, may 212 ang natapos na o may 75 percent na ang nakukumpleto ng city government.
Karamihan sa bulto ng infrastructure projects ay nauwi sa mga lansangan kasama na ang pag-aspalto ng kalsada, drainage improvement at road at sidewalk development.
Bukod dito, napondohan din ang pagtatayo ng mga paaralan.
Nais ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel monte na makumpleto ang lahat ng infrastructure projects niya bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 ng taong ito.
Ilan sa mga tinatapos ngayong proyekto ni Belmonte ang P550 milyong bagong 200-bed capacity medical center para sa QC General Hospital. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending