'Maynila' may bagong oras

MANILA, Philippines - Matutunghayan na sa bagong oras ang programang “Maynila” na mapapanood tuwing araw ng Sabado sa GMA network. Ayon kay dating Manila Mayor Lito Atienza, mula sa dating alas-10:30 ng umaga, mapapa­nood na ito ngayon dakong alas 9:30 ng umaga. Ang “Maynila” ay nagdiriwang din ng kanilang ika 10-taon anibersaryo kung saan nagsilbi din umano itong swerte sa mga baguhang artista tulad nila Angel Locsin, Richard­ Gutierrez at iba pa na matapos na lumabas dito ay tulu­yan nang sumikat.

Show comments