Home for the aged sa QC daragdagan ni Joy B
MANILA, Philippines - Kailangan pang dagdagan ang mga bahay-ampunan para sa mga senior citizen o matatandang ulila na inabandona o walang kumakalingang kaanak sa lunsod Quezon.
Ito ang inihayag ni Joy Belmonte, kandidatong Vice Mayor ng Liberal Party sa Quezon City, kaya nagbabalangkas siya ng programa para paramihin ang mga home for the aged sa lunsod na tulad ng matatagpuan sa North Avenue rito.
Sinabi pa niya na kailangan ding paunlarin at isailalim sa rehabilitasyon ang mga bahay-ampunang ito para maging maayos ang pangangalaga sa mga ulila nang matatanda.
Mahalaga anya na mapangalagaan ang kapakanan ng mga matatandang ito dahil malaki ang naiambag nila sa pagpapaunlad ng lunsod o komunidad noong panahon ng kanilang kabataan.
Sa ngayon, inaalam ng kanyang tanggapan ang mga bagay na maitutulong sa mga centers na ito para sa kapa kanan ng mga senior citizen lalo na sa kanilang pangangailangang medikal at kalusugan.
Bukod sa pagiging isang archeologist, nakilala si Belmonte sa pagtataguyod sa kapakanan at karapatan ng kababaihan at kabataan at pamumuno sa iba’t ibang foundation tulad sa QC Ladies at Ilaw ng Bayan at pagpapaaral ng mahihirap na estudyante. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending