^

Metro

Pawnshop sinalakay ng acetylene gang

-

MANILA, Philippines - Isang pawnshop ang nilooban ng kilabot na grupo ng acetylene gang sa pamamagitan ng paghuhukay sa isang imburnal malapit dito na nagsilbi nilang daanan para makapasok sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang pinasok ng grupo ay ang De Luxe Pawnshop na matatagpuan sa Mataba St., corner Arayat, Brgy. Kaunlaran, Cubao sa lungsod.

Ayon sa pulisya, kung dati ay umuupa ng kuwarto na katapat ng kanilang target ang grupo saka bubutasin ang dingding ngayon ay gumawa naman ang mga ito ng hukay patungo sa kanilang pakay na pagnakawan tulad ng nangyari sa De Luxe Pawnshop.

Nabatid na naganap ang panloloob ganap na alas -10:30 ng gabi nang biglang tumunog ang alarma ng pawnshop at nagbigay atensyon sa tropa ng Police Station 7.

Nang respondehan ng mga awtoridad, dito nabatid na pinasok ang nasabing pawnshop kung saan isang butas o hukay na pinag­daanan ng mga suspek ang nakita sa loob nito.

Sinasabing tatlong kalalakihan ang nakitang tumatakbo papalayo sa nasabing lugar na may bitbit ng bag.

Sa pagsisiyasat, tanging ilang pirasong laptop na nakadisplay ang nakuha ng mga suspek dahil nabigo ang mga itong mabuksan ang vault matapos na tumunog ang alarm system dito.

Patuloy ang imbestigasyon at pagtugis ng pulisya sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ARAYAT

AYON

BRGY

CUBAO

DE LUXE PAWNSHOP

ISANG

KAUNLARAN

MATABA ST.

POLICE STATION

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with